Kagawad tinodas ng tanod

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang 48-anyos na barangay kagawad matapos itong pagsasaksakin ng kanyang bayaw na barangay tanod sa basketball court dahil sa matinding selos kahapon ng madaling araw sa Barangay Guinlajon, Sorsogon City, Sorsogon. Hindi na umabot pa ng buhay sa Sorsogon Doctors Hospital ang biktimang si Kagawad Leonilo Jeresano habang nasakote naman ang suspek na si Rene Torres, 50, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nabatid na kapwa nasa basketball court ang magbayaw kung saan ginaganap ang sayawan nang magkainitan sa harap mismo ng mga opisyal ng barangay. Pinapaya naman ng ilang opisyal ng barangay ang dalawa subalit inundayan pa rin ng saksak ng suspek ang biktima.  

Show comments