Ex-chairman dedo sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Pinabulagta ang dating barangay chairman makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins habang ipinapasada nito ang kanyang traysikel sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Buenavista, Santiago City, Isabela kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Alexander Santos, sinabayan ng tandem ang biktimang si Floilan Tolentino saka niratrat. Gayon pa man, walang nadamay at nasaktan sa tatlong pasaherong biktima nang bumulusok ang sinasakyang traysikel sa gilid ng kalsada.? Nakatakas naman ang gunmen habang blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng krimen.

 

Show comments