Abu Sayyaf member itinumba sa Basilan

MANILA, Philippines — Utas sa pananambang ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa Lamitan, Basilan ngayong Lunes.

Nakilala ang biktimang si Abdul Asmaril Lampas, tubong bayan ng Ungkaya Pukan, na hinihinalang miyembro at spotter ng Abu Sayyaf.

Base sa salaysay ng mga saksi, sakay ng kanyang motorsiklo si Lampas nang pagbabarilin ng isang armadong lalaki sa Barangay Matibay kaninang 8:04 ng umaga.

Pitong bala ang tumama sa katawan ni Lampas na kaagad niyang ikinasawi.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pag-atake

Show comments