2 dedo sa bumagsak na tower

QUEZON, Philippines - Patay ang dalawang linemen ng National Grid Corporation of the Philippines habang malubha naman ang isa nilang kasamahan makaraang mahulog sa bu­magsak na tower ng kuryente sa Sitio Sampaloc, Ba­rangay Ibabang Palsabangon sa bayan ng Pagbilao, Quezon, kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at katawan kaya idineklarang patay sa Jane County Hospital ang mga biktimang sina Abel Saburao, 22, ng Cagayan de Oro City; at Jeffrey Rivera, 23, ng Leyte habang inilipat naman sa Quezon Medical Center  si Sandy Formentera, 24.  Sa ulat ni P/Chief Insp. John Von Noyda, Pagbilao PNP chief, kinukumpuni ng mga biktima ang tuktok ng tower na may taas na 100 metro nang biglang kumalas ang kable na nakakabit sa tower kaya unti-unting kumalas ang mga bakal at bumagsak kasama ang mga biktima.

Show comments