Bumili ng alak, itinumba

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines - Napatay ang 24-anyos na salesman na bumili lamang ng alak at pulutan matapos itong ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki noong Biyernes ng gabi sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya. Napuruhan sa ulo ang biktimang si  Donard “Dondon” Galanta ng Purok 2 sa Brgy. Nalubbunan. Sa imbestigasyon ng pulisya, pabalik na sa pinapasukang trabaho ang biktima matapos bumili ng alak at pulutan sa Burgos Street nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang gunmen bandang alas-7:30 ng gabi.Tumakas naman ang gunmen lulan ng itim na kotse na walang plaka.

Show comments