MANILA, Philippines - Patay ang 57-anyos na misis habang 18 naman ang nasugatan makaraang mahulog ang mini-trak sa bangin na sinasabing umiwas sa landslide sa kahabaan ng highway sa bayan ng Molave, Zamboanga del Sur kamakalawa.Patay ang 57-anyos na misis habang 18 naman ang nasugatan makaraang mahulog ang mini-trak sa bangin na sinasabing umiwas sa landslide sa kahabaan ng highway sa bayan ng Molave, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Rosaria Encarnacion habang isinugod naman sa Osmeña Community Hospital ang mga nasugatang biktima. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagkaroon ng landslide sa kahabaan ng highway sa Barangay Ariosa kaya iniwasan ng Canter truck na patungong Dipolog City. Subalit nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa mahulog sa bangin ang mini-truck.