CAMARINES NORTE, Philippines - Apat-katao ang malubhang nasugatan matapos mahulog ang trak sa malalim na bangin sa Barangay Laganac, bayan ng Balatan, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Naisugod naman sa ospital ang mga sugatang biktima na sina Erlinda Sandoval, 20, ng Barangay Burong – Burongan, Milaor, Camarines Sur; Paolo Alforte, 18, ng San Rafael, Cararayan, Naga City; Jay-E Bayos, 18, ng Brgy. Caranday, Baao, CamSur; at ang driver na si Salvador Gaupo ng Pili, Camarines Sur. Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng trak na si Gaupo na patungong bayan ng Balatan pagsapit sa kurbadang kalsada kaya tuluy-tuloy na bumulusok sa bangin.