5 arestado sa baril at bala

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   – Kalaboso ang limang miyembro ng gun running syndicate makaraang masakote sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa Sitio Mapaoay, Barangay Ipil, Tabuk City, Kalinga kamakalawa. ? Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Victor Wanchakan, Kalinga PNP director, ang mga suspek  na sina ex-Sgt. Lorenzo Ambasing ng Barangay Camalog, Pinukpuk, Kalinga; ex-Army Edwin Bumatay ng Umingan, Pangasinan; Wilfredo Gonzalo ng Barangay Pinagan, Tabuk City; Reynaldo Banggawan ng Barangay Asibanglan, Pinukpuk; at si Donald Comafay ng Barangay  Bacari, bayan ng Paracelis, Mt. Province.?  Ayon kay Wanchakan,  matagal na nilang minamanmanan ang grupo ng mga suspek dahil sa impormasyong nakalap mula sa ilang asset ng pulisya.?  Nasamsam sa mga suspek ang isang M16 Armalite rifle na natagpuan sa backseat ng sinasakyang  Tamaraw FX at 32 bala ng malalakas na kalibre ng baril.

Show comments