Eroplano nag-crash landing

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sugatan ang babaeng student pilot matapos mag-crash landing ang kanyang Cessna 172 plane na tangka niyang mag-touchdown sa runway ng San Fernando City Airport sa La Union kahapon ng umaga. Sa ulat na nakara­ting kay La Union PNP director P/Senior Supt. Ramon Rafael, kinilala ang sugatang piloto na si Eryn Grace Laforteza na estudyante ng Leading Edge International Aviation Academy, Inc.? Ayon sa report, nag-iisa lamang na pinalipad ni Laforteza ang light plane na may tail No. RPC-6932 nang naganap ang sakuna dakong alas- 8:40 ng umaga.? Kaagad na naisugod ng mga sumaklolo ang piloto sa Bethany Hospital sa San Fernando City habang patuloy naman iniimbestigahan ng mga kinuukulang ahensya ng pamahalaan ang naganap na insidente.

Show comments