Mag-iina niratrat sa bahay

MANILA, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang isang nanay habang sugatan naman ang dalawa nitong anak makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Katamlaman, bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Rodelio Jocson, kinilala ang ina na si Jehan Laseba Kahar, at ang dalawa nitong sugatang anak na sina Johaira, 11; at Bai Tukol, 7. Base sa imbestigasyon, bandang alas-11  ng gabi habang natutulog ang mag-iina nang biglang may tumawag at kumatok sa kanilang bahay kung saan makikisindi raw ng sigarilyo. Nagising naman si Jehan at nang buksan ang pintuan ay pinagbabaril ang mag-iina. Nagkataong wala ang asawa ni Jehan dahil sa  pumalaot at nangisda.  Sinaklolohan ng kanilang mga kapitbahay nang mag-iina saka dinala sa pagamutan.

 

Show comments