6 guwardiya, 10 preso sugatan sa sakuna

MANILA, Philippines - Anim na guwardiya at sampung preso ang nasugatan makaraang magbanggaan ang sasakyan ng BJMP at Toyota pick-up sa bahagi ng zigzag road sa Barangay Silangang Malicboy, bayan ng Pagbilao, Quezon kahapon ng hapon.

Sa ulat ni Quezon PNP Director P/Senior Supt. Genaro Ylagan, kabilang sa mga nasugatan ay sina Jail Inspector Raul Patriarca, 54;  JO3 Alejandro Ranillo, 50; SJO1 Airel Abayro, 39; at si JO1 Aldrin Taguiam, 30 habang sampu naman ang sugatan sa mga preso na mabilis na isinugod sa pagamutan.Nabatid na bumabagtas ang service vehicle (SFY 909) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na minamaneho ni JO1 Noel Pabeto nang nakasalpukan ang Toyota pick-up (ZGG 868) ni Abacano Herilla, 27, ng Las Piñas City. Napag-alamang patungo sa Quezon Provincial Jail ang sasakyan ng BJMP mula sa bayan ng Gumaca, Quezon nang maganap ang sakuna pagsapit sa pakurbadang highway.

Sa inisyal na ulat ni P/Chief Inspector Von June Nuyda, hepe ng Pagbilao PNP, lumilitaw na nawalan ng preno ang BJMP vehicle kaya sumalpok sa kasalubong na sasakyang minamaneho ni Herilla.

Show comments