4 sasakyan inararo ng trak

CAMARINES NORTE , Philippines  - Apat na sasakyan na nakaparadaa sa gilid ng kalsada ang nagkawasak-wasak  matapos araruhin ng trak sa Barangay Pamukid, bayan ng San Fernando, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang driver ng trak (ABS-663) na si Arthur Mendoza, 34, ng Barangay Tamban sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur. Kabilang naman sa apat na sasakyang niragasa ng trak ay ang trak (EBC 584), Elf trak (TLC 186), van (WTT 596), at pick-up (EBB 829). Wala namang napaulat na nasaktan habang ang drayber ay kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nakaidlip si Mendoza sa pagmamaneho dahil sa mahabang biyahe mula Maynila patungong Naga City kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela saka sinuyod ang mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Show comments