ZAMBALES, Philippines - Hiniling ng Coalition of Mine Workers, Families And Communities (CMWFC) sa Sangguniang Bayan ng Sta. Cruz at sa Sangguniang Panglalawigan ng Zambales na magpalabas ng resolusyon na susuporta sa kanilang panawagan sa pagbabalik ng operasyon ng apat na minahan sa nabanggit na bayan na pangunahing ikinabubuhay ng mga residente.
Noong nakalipas na buwan ay nagpalabas ng cease and desist at suspension order ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa tigil-operasyon ng apat na minahan.
Kabilang sa mga minahang ipinatigil ay ang Zambales Diversifed Metals Corporation (ZMDC), Benguet Corporation Nickel Mines Inc. (BCNMI), Eramen Minerals Inc. (EMI) at ang LNL Archipelago Minerals Inc. (LAMI) kaya nawalan ng hanapuhay ang may 3,000 manggagawa.?
“We call on our officials to stand behind us. At stake here are the jobs of 3,000 workers who now have nowhere to go because of the DENR suspension and cease-and-desist orders,” pahayag ni Orlan Mayor, spokesperson ng Coalition of Mine Workers, Families and Community (CMWFC).
Ngayong araw ay nakatakdang makipagdayalogo ang mga manggagawa kasama ang mga opisyales ng walo pang barangay kay Sta. Cruz Mayor Consolacion Marty at Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. para sa agarang solusyon sa muling pagbabalik ng operasyon ng mga nabanggit na minahan.