Jailwarden utas sa ambush

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines   – Pinabulagta ang 55-anyos na jail warden makaraang ratratin ng motorcycle-riding assassins sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Mayapyap Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi. Namatay habang isinusugod sa Premier General Hospital ang biktimang si Enrico Campos ng Barangay Magsaysay Sur, Cabanatuan City at nakatalaga sa Nueva Ecija Provincial Jail. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Pedro Soliba, hepe ng Cabanatuan City PNP, naganap ang pamamaslang bandang alas-7:15 ng gabi habang ang biktima ay nagmomotorsiklo. Nakarekober sa crime scene ng dalawang cartridge cases ng cal.45 pistol at basyo ng bala ng baril.

Show comments