4 mag-iina nalason sa sardinas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nalason sa kinaing sardinas na sinahugan ng pechay ang mag-iina sa isa na namang naganap na food poisoning sa Purok 9, Pinsao Proper, Baguio City kamakalawa. ?Kinilala ni PO2 Jason Bay-an ang mga bikimang naisugod sa Baguio General Hospital na sina Ana Rosa Rivera, 44, street vendor; Jinky Rivera, 19; Jesel Rivera,12; at si Angel Rivera, 2.? Nabatid na namilipit sa sakit ng tiyan, nagsusuka hanggang mawalan ng ulirat ang mga biktima matapos maghapunan.? Naisugod ng mga nagrorondang barangay tanod ang mga biktima sa pagamutan bago pa lumalala ang sakit habang isinailalim naman sa pagsusuri ng mga doktor ang natirang ulam ng mga biktima.

Show comments