2 mangingisda dinedo ng tandem

MANILA, Philippines - Dalawang mangingisda ang napatay makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins sa naganap na pana­nambang sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Calatunan, bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Kapwa idineklarang patay sa Sinda­ngan District Hospital sina Rubencio del Coro, 48; at Roberto del Coro, 59; mga nakatira sa Barangay Ramon Magsaysay sa nasabing bayan. Sa ulat na nakarating kay P/Inspector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman, pauwi na ang mga biktimang lulan ng motorsiklo nang tambangan dakong alas-10:30 ng gabi. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.  

Show comments