Magsasaka nanigaw, tinodas

QUEZON, Philippines - Naging mitsa ng kamatayan ng isang magsasaka ang ginawa nitong paninigaw sa tapat ng bahay ng isa nitong kaibigan matapos na barilin ng di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay Janagdong 2, bayan ng Sariaya, Quezon. Napuruhan sa ulo ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang ni Marlon Simonac, 35, may-asawa, at nakatira sa Barangay Canda. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi ay tinungo ng biktima ang bahay ng kaibigang si Melchor Magcawas kung saan nagsisigaw sa labas sa hindi malamang dahilan.  Gayon pa man, dalawang putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta ang biktima. Pinaniniwalaang na­ingayan sa ginawang pagsigaw ng biktima kaya ito binoga.  

Show comments