Tiktik ng AFP/PNP, nilikida

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  – Napatay ang 46-anyos na mister na inakalang tiktik ng militar at pulisya makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa harap ng kanyang pamilya kamakalawa ng gabi sa Sitio Bo­dega, Barangay Pasig sa bayan ng Claveria, Masbate. Sa ulat ng pulisya, mahimbing na natutulog ang biktimang si Roger Agdon kasama ang kanyang pamilya nang pasukin  ng mga rebelde. Kinaladkad ng mga rebelde ang biktima palabas ng kanyang bahay saka niratrat sa harap ng kanyang pamilyang nagmamakaawa. Palakad na tumakas ang mga rebelde na sumakay sa bangka na animo’y walang naganap na krimen. Narekober sa crimes scene ang 25 basyo ng bala ng M-16 Armalite Rifle.

Show comments