2 minero pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang dalawang minero makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa plantasyon ng tubo sa Barangay Santiago, bayan ng Quirino, Isabela kamakalawa. ?Kinilala ang mga biktima na sina Charlie Capayap, 23, ng Barangay Guinzadan Norte, bayan ng Bauko, Mountain province; at Franklin Mangiga, 24, ng Barangay Betag, La Trinidad, Benguet.? Ayon kay P/Senior Insp. Raymond Baggayan, hepe ng Quirino PNP, hindi panghoholdap ang motibo sa pamamaslang kundi matinding atraso ang sinasabing motibo laban sa mga biktima.? Hindi naman nilimas ang P24,000 na nasa pitaka ni Capayap habang P2,000 naman kay Mangiga.? Nabatid na matagal nang hindi umuuwi ang mga biktima sa kanilang bayan. 

Show comments