5 arestado sa droga, baril, at bomba

CAMARINES NORTE , Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang limang minero matapos makumpiskahan ng mga droga, baril at bomba sa inilatag na operasyon sa Purok 1, Barangay Luklukan Sur, bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Miguel Rosales, 36, ng Barangay Luklukan Sur; Anice Camacho, 44, ng Purok 6, Barangay Parang; Ernesto Reyes, 42, ng P-4 Barangay Motherlode, Myla Calado, 40, ng P-1 Barangay Luklukan Sur; at Richard Capilitan, 42.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Moises Pagaduan, nasamsam sa mga suspek ang limang plastic sachet ng shabu, granada, 6-dinamita, dalawang cal. 45 pistol at 13 pirasong blasting cord matapos salakayin ang bahay ni Rosales. Ang mga suspek ay inaresto  sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Arniel A. Dating ng Daet Regional Trial Court, Branch 41 sa Camarines Norte. 

Show comments