Ama binoga, anak kritikal

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Bulagta ang isang 40 anyos na magsasaka samantalang kritikal naman ang anak nitong paslit makaraang paulanan ng bala ng desabog ang sinasakyan ng mga itong  motorsiklo sa Brgy. daan Ili, Allacapan, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Insp. Joefferson Gannaban, hepe ng pulisya ng Allacapan ang nasawi na si Edison Juan at naisugod naman ang 3 anyos na anak nitong si Kristanly Heinz sa Cagayan Valley Medical Center sa lungsod na ito sa tama ng mga shrapnel ng desabog.? Sinabi ni Gannaban na nakaligtas naman ang misis ng biktimang si Analyn at isa pang 8 anyos na anak nito.? Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang mag-anak dakong alas-10:45 ng gabi sakay ng  motorsiklo galing sa panonood ng isang Beauty Contest sa naturang barangay nang tambangan ng suspek na si Rey Villa­nueva.? Nakilala ng misis ng nasawing magsasaka ang suspek na nadakip naman kaagad ng mga nagrespon­deng pulis sa isang follow up  operations.?

Nabatid na matagal nang alitan ang isa sa mga tinitingnang motibo ng mga imbestigador sa pinag-ugatan ng krimen.

Show comments