5 tiklo sa pot session

BULACAN, Philippines – Arestado ang limang kalalakihan matapos na maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya  sa pot session sa Barangay Sto. Cristo, bayan ng Baliwag, Bulacan kama­kalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Norberto Ramos, 56, ng Brgy. Sto. Cristo; Guiller Gonzales, 33, ng Brgy. Sabang; Jonathan Dela Cruz, 23; Mark Kevin Bondoc, 19; at si Aris Amor, 20, pawang nakatira sa bayan ng Candaba, Pampanga. Sa police report na nakarating kay ni P/Supt. Enrico Vargas, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Ramos sa J.M. Basa Street kung saan naaktuhan ang mga suspek sa pot session. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu, at mga drug paraphernalias.

Show comments