College stude utas sa mishap

NORTH COTABATO, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang 22-anyos na college student matapos mahagip ang kanyang motorsiklo ng isa pang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Babol General Hospital pero di-umabot ng buhay si Philip John Dalodado Torres, 4th year college sa  University of Southern Mindanao at nakatira sa Barangay Katidtuan, Kabacan. Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez na isinumite kay P/Chief Insp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP, magkasabay na nag-overtake ang mga motorsiklo nina Torres at Vincarl Buenaflor sa sinusundang dumptruck. Subalit nahagip ni Buenaflor ang motorsiklo ni Torres kaya ito tumilapon ng ilang metro. Sumuko naman sa pulisya si Buenaflor.

Show comments