Wanted bulagta sa shootout

CAVITE, Philippines - – Napatay ang sinasabing kilabot na most wanted person matapos makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa Barangay Salcedo 2, bayan ng Nove­leta, Cavite kamakalawa ng gabi.? Kinilala ng pulisya ang napatay na si Augusto “Junior” Lising Jr. Alyas Junior na may kasong frustrated homicide.? Sa ulat ni P/Senior Insp. Francisco Panisan, sinalakay ng pulisya ang kuta ni Lising matapos makatanggap ng impormasyon sa isang concerned citizen. Gayon pa man, sa halip na sumuko ay nanlaban si Lising kaya nauwi sa shootout.

 

Show comments