3-katao kritikal sa nag-amok

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang malubhang nasugatan makaraang pagtatagain ng 18-anyos na lalaking may diperensya sa pag-iisip  kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Dinoman, bayan ng Roxas, Zamboanga del Norte. Kinilala ang mga biktima na sina Jeneth Bulanda, 21; Marcosa Becada, 73; at si Raul Emotin habang nasakote naman ang suspek na si Joseph Bulanda. Sa police report na nakarating kay P/Inspector Dahlan Samuddin, naganap ang krimen sa bahay ng pamilya Bulanda makaraang pagtatagain ng suspek ang kanyang kapatid na si Jeneth. Hindi pa nakuntento ay pinasok din ng suspek ang bahay ng mga kapitbahay at pinagtataga sina Becada at Emotin. Agad namang tumakas ang suspek subalit nasakote matapos matunton ng pulisya ang pinagtataguan nito.

Show comments