8 preso pumuga sa Quezon – report

MANILA, Philippines – Walong preso ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) District Jail sa Gumaca, Quezon province ang nakatakas kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng dzMM, nilagari ng mga pugante ang bakal na rehas ng kanilang selda upang makatakas.

Isa sa mga pugante na nakilalang si Alejandro Villa, na may kasong attempted murder, ang nadakip kaagad sa karatig na bayan ng Atimonan.

Nakilala ang iba pang tumakas na sina Arguelles Mergenio, Freddie Ordiales Nicol, Joseph Hulaton Alvares, Zeus Repia Nierva, Joel Cabardo Ssenosin,  Anthony Garcia Revilla, at Gerald dela Cruz.

Nagtayo na ng mga checkpoint ang pulisya bilang hakbang sa pagtugis sa mga pugante.

Show comments