Retiradong professor, tinodas

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Animo’y manok na binaril at napatay ng di-kilalang lalaki ang 68-anyos na retiradong professor habang ito ay naghahapunan sa kanyang bahay sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ni PO1 Sherwin Flaviano ang biktima na si Beatrice Selogbon, dating professor sa Nueva Vizcaya State University sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, naghahapunan ang biktima nang may kumatok sa pintuan ng bahay kaya minabuti nitong pagbuksan. Nang buksan ang pintuan ay sinalubong ng putok ng baril ang biktima kung saan mabilis na tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo.

Show comments