BULACAN, Philippines – Magkasunod na napatay ang mag-ama matapos na gahasain at mapatay sa saksak ng adik sa bawal na droga ang anak na babae ay sinaksak din ang ama nito na sumaklolo kamakalawa ng gabi sa Barangay Niugan, bayan ng Angat, Bulacan.
Kapwa nagtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na mag-amang sina Arnel Nieves, 50; at Michelle Villarama-Nieves, 26, kapwa nakatira sa Barangay Donacion sa nasabing bayan habang pinaghahanap naman ang suspek na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Eduard Oceña, pauwi na ang biktimang babae na lulan ng bisikleta nang harangin ng adik na lalaki sa madilim na bahagi kung saan isinagawa ang panghahalay.
Gayon pa man, nagkataong napadako ang ama ni Michelle kung saan narinig nito ang sigaw ng kanyang anak mula sa madamo at madilim na bahagi ng nasabing lugar.
Sinaklolohan naman ni Arnel ang kanyang anak na babae subalit sinalubong siya ng saksak ng suspek kung saan isinabay na pagsasaksakin si Michelle hanggang sa mapatay.