Dinukot na dalagita aksidenteng nailigtas sa Zambo

MANILA, Philippines - Iniligtas ng pagkakataon ang isang 13-anyos na babae matapos mabawi sa mga kidnapper sa Zamboanga del Norte nitong kamakalawa.

Masuwerteng naaksidente ang mga kidnapper matapos bumangga ang sinasakyang motor sa isa pang motor sa Purok Talaba, Barangay Camanga sa bayan ng Dumalinao.

Nasakote ang mga suspek na sina Geraldo Sajulga at Ramil Canaba na nilasing ang biktima para madukot.

Hindi na nahabol ng mga awtoridad ang mga suspek, ngunit nadakip pa rin nang maaksidente ang mga ito sa kahabaan ng national road ng Barangay Camanga bandang 9:30 ng gabi.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek.

Show comments