MANILA, Philippines — Isang milyong pisong pabuya ang alok ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa sinumang magbibigay ng impormasyon sa mga kinaroroonan ng mga pumatay sa race car driver na si Enzo Pastro.
Tiniyak ng alkalde ang kaligtasan ng sinumang magbibigay ng impormasyon na inaasahang magreresulta sa pagpapanagot sa mga suspek.
"I am offering P1 million for the capture and successful prosecution of the killer of Enzo. All you have to do is just to text me, tutal ma-trace ko naman and I'll give you my word of honor that it will be ultra-secret," wika ni Duterte kahapon.
Ikinalungkot ni Duterte ang pagkasawi ng 32-anyos na racing champion na malapit ang pamilya sa kanila.
"He had a very promising career. Death overtook him. Mamamatay ang tao, pero hindi naman yung babarilin lang na parang aso and talagang I am in grief also kasi kaibigan ko."
Itinumba ang kauna-unahang Pinoy na manalo sa NASCAR championship noong Hunyo 12 sa lungsod ng Quezon.