Fil-Aussie dedo sa sunog

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Patay ang 14-anyos na binatilyong Fil-Aussie matapos itong makulong sa nasusunog na bahay ng kanyang amain sa Barangay Pinukpuk Junction, bayan ng Pinukpuk, Kalinga kamakalawa. Kinilala ni SPO1 Edward Daoag ang biktima na si John Hampton Mangwang Smith na ang ina ay tubong Pinukpuk at nakatira sa Australia. Bagama’t nasa ibang bansa ang mga magulang, sinabi ng mga residente na nag-aaral sa high school ang biktima at nakatira sa kanyang amain na retiradong pulis. Pinaniniwalaang napabayaang kandilang natumba ang pinagmulan ng sunog na nagsimula bandang alas-9:30 ng gabi.

Show comments