Adik nagbaril sa sarili, dedo

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines– Nagpasalubong kay kamatayan ang 27-anyos na binata na sinasabing lulong sa bawal na droga matapos itong magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Catagbacan, bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Naganap ang insidente bandang alas-6:45 ng gabi sa kuwarto ng biktimang si Angelo Paulo Royo kung saan ginamit sa pagpapakamatay ang baril ng kanyang ama. Huling namataang buhay ang biktima na balisang pumasok ng kanyang silid at ilang minuto ang nakalipas ay umali­ngawngaw ang malakas na putok ng baril. Nang usisain ng mga kasamahan sa bahay ay bumungad ang duguang biktima.

Show comments