29 yunit ng computer, nilimas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   – Umabot sa 29 yunit ng computer ang nilimas ng mga kawatan makaraang pasukin ang pampublikong eskwelahan sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Barangay Barucboc, bayan ng Quezon, Isabela noong Linggo ng madaling araw.? Sa police report na nakara­ting kay P/Senior Insp. Jhun-Jhun Balisi, hepe ng Quezon PNP, nasa P.250 milyong halaga ng mga computer ang sinikwat mula sa Barucboc National High School. Nabatid na winasak ng mga kawatan ang window grills ng bintana ng likurang bahagi ng computer training room ng paaralan kaya naisagawa ang pagnanakaw. Kasalukuyang iniimbestigahan ang guwardiya at caretaker ng paaralan na sinasabing nakatulog sa lamig ng malakas na ulan.

 

Show comments