Dalaga dedo sa sunog

QUEZON , Philippines   - Patay ang 28-anyos na dalagang may kapansanan sa pag-iisip matapos nakulong sa nasunog nilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Castillo, bayan ng Pagbilao, Quezon. Base sa ulat ng mga manggagamot sa Jane County Hospital, suffocation ang ikinamatay ng biktimang si Jessica Portes. Base sa ulat ni F/Inspector Fernando Castillo, nag-umpisa ang sunog sa bahay na pag-aari ni Edgardo Portes habang nasa kasagsagan ng malawakang brownout sa Quezon bunsod ng nakaraang bagyong Glenda. Sinasabing natumbang kandila ang pinagmulan ng apoy na kumalat sa kabahayan habang natutulog ang biktima at kanyang nakatatandang kapatid.Tinatayang aabot sa P.5-milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

Show comments