MANILA, Philippines - Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang bahagi ng Bohol kahapon ng umaga. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig, ganap na alas-6:21 ng umaga kung saan natukoy ang epicenter ng lindol sa layong tatlong kilometro sa hilagang silangang bayan ng Catigbian, Bohol. Naramdaman ang intensity 4 sa bayan ng Catigbian, Bohol, intensity 3 sa Cebu City, Sagbayan, Tagbilaran City, Tubigon at sa bayan ng Clarin Bohol habang intensity 2 naman sa bayan ng Inabanga, Bohol. Wala namang iniulat na nasaktan nawasak na ari-arian sa nasabing pagyanig. Kabilang ang Bohol sa napinsala matapos tamaan ng 7.2 magnitude na lindol noong 2013.