Nene hinalay ng senglot

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   – Maagang nawasak ang pagkababae ng 11-anyos na nene makaraang halayin ng kanyang kapitbahay na senglot sa Barangay Victoria, bayan ng San Mateo, Isabela kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp.  Santos Tecbobolan, hepe ng San Mateo PNP ang suspek na si Manuel Gamalog, 50, kapitbahay ng biktimang itinago sa pangalang Remedios na kasalukuyang grade 3 pupil. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naglasing muna ang suspect habang kumuha ito ng tiyempo na pasukin ang biktimang nakatapis lamang ng tuwalya matapos maligo. Napag-alamang nag-iisa ang biktima nang isagawa ng suspek ang maitim na balak. Kaagad na isinuplong ng biktima sa kanyang mga magulang ang naganap na krimen sa kanya  kaya nasakote ang suspek na sinasabing amoy alak.

 

Show comments