Kampo ng militar naabo sa P3-M sunog

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines– Tinatayang humigit kumulang sa P3-M halaga ng mga kagamitan ang napinsala makaraang masunog ang isang barracks sa loob ng kampo ng militar sa Barangay Sta Cruz, Currimao, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi ng sumiklab ang apoy sa nasabing kampo na mabilis na kumalat.

Tumagal ang sunog ng halos isang oras bago ito naapula ng mga nag­respondeng bumbero.

Kabilang sa mga na­sunog ay ang mga mata­taas na kalibre ng baril tulad ng M60 machinegun, dalawang K3 rifle,­ 9 na mga M16 armalite rifles, sari-saring mga bala, 1 digital camera, 8 hand held radio, 1 binocular, tents, beddings, bigas at iba pang kagamitan.

Tiniyak naman ng militar na hindi makakaapekto sa operasyon ng mga sundalo ang pagkasunog ng kanilang kampo.

 

Show comments