Nakonsiyensang killer, sumuko

BULACAN, Philippines - - Pinaniniwalaang nakonsiyensa ang 20-anyos na lalaki sa pagpatay nito sa batang babae noong Marso 2014 kaya sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon. Sa tulong ng ina ay kusang lumapit kay Baliwag Mayor Carol Dellosa ang suspek na si Raymond “Kumag” Tabunda ng Banana Island sa Barangay Sabang sa nasabing bayan. Sa ulat ni SPO1 Majorie Taruc, ang suspek ay isinasangkot sa pagpatay  sa 11-anyos na si Lysa “Negra” Dela Cruz  na sinasabing namimitas lamang ng bulaklak sa gilid ng ilog sa bahagi ng Barangay Sabang noong Marso 30, 2014. “Lagi ko pong nakikita ang mukha ni Negra tuwing matutulog ako kaya ipinagtapat ko na po sa aking kapatid at hipag ang nagawa kong krimen,” pahayag ng suspek sa harap ni Mayor Dellosa at P/Supt. Enrico Vargas. Nagawa ng suspek ang krimen dahil sa pananakit ng amain ng biktima sa kanya.

Show comments