Tsinoy trader, kinidnap

CAVITE , Philippines   – Kinidnap ng mga armadong lalaki ang 49-anyos na negosyanteng Tsinoy kamakalawa ng gabi sa Barangay San Vicente 2, bayan ng Silang Cavite. Sa imbestigasyon ni P03 Carlito Loyola, lumilitaw na nakatayo ang biktimang si Tony Lim sa harapan ng kanyang bahay at furniture store nang lapitan at kaladkarin patungong puting Innova na walang plaka. Sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin ng pamilya ang tawag ng mga kidnaper kaugnay sa hihinging ransom money para mapalaya ang biktima.

Show comments