North Cotabato, Philippines– Dalawa-katao ang namatay habang tatlo naman ang malubhang nasugatan sa karambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng highway sa Purok Maharlika, Barangay Saravia, Koronadal City kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya, kabilang sa namatay ay ang driver ng motorbike na si Federico Bustria ng Barangay Montilla, Tacurong City at angkas nitong babae na buntis. Samantala, sugatan naman ang dalawang estudyante na sina Rosalinda Cortado, 14; at Gela Mae Parba,14, kapwa cheerdancers sa T’nalak Cheerleading competition kung saan naging kampeon ang Saravia National High School at ang driver ng motorbike na si Jomer Dela Serna. Sa police report, lumilitaw na ang dalawang motorsiklo ay nahagip ng truck (JVL-759) na minamaneho ni Richard Bellocillo kung saan patungo sa Tacurong City mula sa General Santos City.