Army inutas dahil sa GRO

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Pinabulagta ang 39-anyos ng sarhento ng Phil. Army na sinasabing nakipag-inuman sa GRO makaraang pagbabarilin ng selosong customer sa loob ng videoke bar sa Barangay Bulanao,Tabuk City, Kalinga kahapon ng madaling araw.? Kinilala ni P/Supt. Francisco Bulwayan Jr. hepe ng Tabuk City PNP ang biktima na si S/Sgt. Jerry Magsano ng 503rd  Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Calanan.? Pinaghahanap naman ang suspek na si Dennis Tabbang ng Purok 5 sa nasabing barangay.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng pulisya na nainip sa kahihintay ang suspek na makapiling ang GRO na si Medy Panabang na naunang itineybol ng biktima. Gayon pa man, sumiklab ang pa­nibugho ng suspek nang makitang masaya at nagkakaigihan na ang da­lawa sa pa­kikipag-inuman kaya nilapitan at niratrat nito ang sarhento.?

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

Show comments