BULACAN , Philippines– Brutal na kamatayan ang sinapit ng 39-anyos na anak na lalaki matapos itong gilitan ng sariling ama na sinasabing napikon sa sermon ng una sa kanilang bahay sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Naisugod sa Bulacan Medical Center subalit idineklarang patay ang biktimang si Gary Ico habang nasakorte naman ang suspek na si Gaspar Ico, 62, mga nakatira sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ni PO2 Ronald Rosario, sumiklab ang pagtatalo ng mag-ama kaugnay sa paninita ng biktima sa kanyang tatay na kalimitang lango sa alak. Gayon pa man, nagalit ang suspek sa kanyang anak kaya humantong sa brutal na pagpatay.