Drug pusher itinumba

NUEVA ECIJA , Philippines  – Pinabulagta ang 30-anyos na sinasabing drug pusher makaraang pagbabarilin ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Tabuating, bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, kamakalawa ng madaling araw. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nakatayo ang biktimang si Julio Valmonte Jr. nang lapitan at pagbabarilin, ilang metro ang layo mula sa kanyang bahay. Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang tatlong basyo ng cal. 45 pistol, dalawang sealed plastic sachet ng shabu, dispo­sable lighter at cellphone ng biktima.

 

Show comments