MANILA, Philippines - Sa kabila ng katandaan, pagbebenta pa rin ng iligal na droga ang hanap-buhay ng isang 70-anyos na lola kaya naman naging target siya ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency para maaresto.
Ang suspect ay nakilalang si lola Maryam Mala, alyas Ina, may-asawa ng Justo Ramonal Street, Cagayan de Oro City, kung saan nadakip ito sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Justo Ramonal Street, Cagayan de Oro City, ganap na alas 12 ng tanghali.
Nakuha mula kay Lola ang 11 piraso ng plastic sachet na may timbang na tatlong gramo at cash na P200 na may iba’t-ibang denominasyon gayundin ang buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of RA9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Mala habang pansamantalang nakapiit sa PDEA RO10 detention cell.