Trader niratrat, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 35 anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem sa Brgy. Poblacion North, Polanco, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang biktima na si Arceli Barte, residente ng Sitio Bless, Brgy. Anastacio, Polanco ng lalawigang ito at idineklarang dead-on- arrival sa North Hospital sa Dipolog City bunsod ng mga tama ng bala  ng cal. 45.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente sa nasabing lugar bandang alas-8 ng gabi.

 Ayon sa imbestigas­yon, kararating lamang ng biktima lulan ng motorsiklo sa kaniyang tindahan sa lugar nang biglang sumulpot ang riding-in- tandem at pagbabarilin ito.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy  ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga salarin at ang motibo ng pagpatay.

Show comments