Diarrhea outbreak: 1 patay, 35 naospital

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 3-anyos na batang lalaki ang iniulat na nasawi, samantalang 35 iba pa ang ang naospital matapos sumalanta ang isang diarrhea outbreak sa Brgy. Komunal, Solano, Nueva Viscaya, kamakalawa.

Kinilala ni Provincial Health Officer Edwin Galapon ang nasawing bata na si Jaylord Dinaming na binawian ng buhay habang ginagamot sa Nueva Viscaya Provincial Hospital.

Ayon kay Galapon, nadiskubreng kontaminado ng E Coli bacteria ang pinanggagalingan ng inuming tubig buhat sa isang bukal mula sa kabundukan.

Iniutos ni Galapon ang water treatment ng bukal kasunod ng insidente.

 

Show comments