Agawan sa lupa, mister pinatay

NORTH COTABATO , Philippines   - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 48-anyos na magsasaka makaraang barilin at pagtatagain ng di-kilalan ng lalaki na sinasabing may kaugnayan sa agawan ng lupa sa Sitio Kidigan, Brgy. Popoyon, bayan ng Tulunan, North Cotabato noong Sabado ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Reynaldo Parami ng nasabing bayan. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naghahanda ng kanyang sakahan ang biktima nang bigla itong lapitan at barilin ng di-pa kilalang gunman. Hindi pa makuntento ay pinagtataga pa ang biktimang duguang bumulagta.

 

Show comments