Nanay ginulpi ng anak na adik

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Kalaboso ang bagsak ng 34-anyos na anak ng sinasabing lango sa droga matapos gulpihin ang sari­ling ina dahil sa pagtangging magbigay ng pera sa kanyang bisyo kamakalawa sa bayan ng Cordon, Isabela.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Rogelio Taliping, hepe ng Cordon PNP ang suspek na si Robinson Calleja habang naghihinanakit naman ang nagreklamong ina nito na si Anita Calleja na retiradong guro.?

Lumalabas sa imbestigasyon na sinundo ng biktima ang anak mula sa mga kamag-anak sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya sa layuning maalis nito ang bisyo sa droga.?

Sa halip na sumama ay ginulpi ng suspek ang kanyang ina matapos nitong tanggihan ang hiling na magbigay ng pera na ipambibili ng shabu.?

Gayon pa man, sumakay ng traysikel ang suspek kasama ang kanyang ina subalit pinadiretso ng ina sa himpilan ng pulisya kung saan natagpuan ang plastic sachet ng shabu sa bulsa ng suspek.

Show comments