MANILA, Philippines – Sinuspinde ng pamunuan ng Notre Dame Village High School ang klase ngayong Biyernes matapos umanong masapian ang 22 estudyante.
Ayon sa punong guro na si Samuel Bayeta, unang dumaing ng pagkahilo ang mga estudyante bago isa-isang hinimatay.
Tumanggi si Bayeta na pangalanan ang 22 estudyante.
Dagdag niya na humingi siya sa mga Muslim at Katolikong mangangaral upang magsagawa ng exorcism rite sa paaralan.
Pinayuhan din niya ang magulang ng mga biktima na tutukan ang kanilang mga anak at kumonsulta sa doktor upang masuri.