2 utas sa kidlat sa Pangasinan - report

MANILA, Philippines -- Maghahatid lamang sana ng meryenda ang 43-anyos na lalaki ngunit sa kasamaang palad ay nasawi siya matapos makidlatan sa Pangasinan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakilala ang biktima na si Lito De Vera na maghahatid lamang sana ng meryenda sa kanyang mga kasamahan sa palayan.

Bandang alas-4 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Barangay Pangoloan, San Carlos City  na ikinasawi kaagad ng biktima.

Samantala, isang oras lamang ang nakalilipas ay isang binatilyo rin ang nasawi sa kidlat sa bayan ng Malasiqui.

Nagtatanim lamang sa palayan ang 18-anyos na si Rocky Villena nang mangyari ang insidente sa Barangay Agdao.

Naisugod pa si Villena sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Show comments